Sabado, Oktubre 15, 2016

Bakit di mapaunlad ng K-12 ang edukasyon sa Pilipinas






Isa sa mga tungkulin ng gobyerno ay ang siguraduhing napapaunlad ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa. Kaugnay nito ang isa sa bahagi ng pagpapaunlad ng edukasyon sa Pilipinas ay sinabatas ng administrasyong Aquino. Ang programang K-12 na nagbpabago sa sistema ng edukasyon sa bansa. Mula sa dating sampung taon sa basic education curriculum, dinagdagan na ito ng dalawang taon.


Ayon sa Department of Education nagawan na ng solusyon ang kakulangan ng mga klasrum, subalit ang kakapusan ng paaralan ay patuloy na nagiging suliranin bunsod ng patuloy ding paglago ng populasyon.

 

Bagama't inaaksyonan ng DepEd ang mga problema, ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas ay nananatiling huli sa ilang bansa sa Asya kung kaya ang mga Pilipinong mag-aaral ay nahuhuli, partikular sa kaalaman sa impormasyon maging sa komunikasyon sa teknolohiya.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento